Gabica umusad sa round-of-64
MANILA, Philippines - Si Antonio Gabica ang ikatlong Pinoy na nakakuha ng slot sa round-of-64 ng second World Ten Ball Championship.
Upang sundan ang kanyang dalawang kababayan kahapon kaya sa kabuuan may limang Pinoy na ang nakausad sa susunod na round.
Naging magaan ang panalo ng reigning Asian Games gold medalist kay Canadian Erik Hjorleifson, 9-2 noong Huwebes ng gabi sa World Trade Center para samahan sina Dennis Orcullo at Lee Van Corteza sa knockout phase, round-of-64 match.
Sa Day Three, naging madali rin ang panalo nina Warren Kiamco at Antonio Lining para makausad sa susunod na round.
Hindi man lang pinagpawisan si Kiamco na nanalo via default win kay Michael Feliciano, 2-0.
Tinalo naman ni Lining ang kababayang si Carlo Biado, 9-4, para manatiling walang talo sa torneo.
- Latest
- Trending