^

PSN Palaro

Italian netter yuko kay Alcantara

-

MANILA, Philippines - Namamayagpag sa unahan, pinatalsik ni top seed Francis Casey Alcantara ang No.2 pambato ng Italy na si Antonio Marcarelli, 6-3, 6-1,upang umusad sa quarterfinal round ng Phinma Juniors International’s Week 1 sa Rizal Memorial Tennis Center kahapon.

 Ginamitan ng masusing pag-aaral sa pagtipa ng puntos, naungusan ni Alcantara sa pamamagitan ng 6-2, 6-2 ang Chinese na si Chinese Jan Nan Tao sa unang round. Nagpakitang gilas rin ito nang pataubin si Marcarelli at mapabilang sa Last 8 ng mga kalalakihan sa ITF Grade 4 tournament.

 Habang ang apat na Pinoy ay nakaranas ng sunud-sunod na pagkatalo,umaarangkada ang 17 anyos na si Alcantara at haharapin nito ang No. 5 na si Motoaki Kita ng Japan at Kittipong Chienwichai ng Thailand.

Matapos maitala ni Ana Clarice Patrimonio ang panalo laban kay Japanese Sari Baba 7-5, 6-2, yumuko ito kay No. 6 Trang Phuong Dai ng Vietnam, 2-6, 3-6, at Anna Christinena nanaig kay Japanese Riko Sawayanagi, 6-3, 7-5, aay natalo naman kay No. 7 Ran tian ng China, 4-6,0-6.

Ang natamong pagkatalo ng Patrimonio sisters ang tumapos sa kampanya ng RP girls para sa dalawang international tournaments na nilinya ng Phinma.

Sa kasawiang palad, hindi umubra ang dalawa pang RP bets sa boys category na nahulog sa kompetisyon kasama ni Leander Lazaro, na minsan nang nakatakas kay German Louis Donczyk, 6-4, 1-6, 6-4, sa opening round. (Sarie Nerine Francisco)

ANA CLARICE PATRIMONIO

ANNA CHRISTINENA

ANTONIO MARCARELLI

CHINESE JAN NAN TAO

FRANCIS CASEY ALCANTARA

GERMAN LOUIS DONCZYK

JAPANESE RIKO SAWAYANAGI

JAPANESE SARI BABA

KITTIPONG CHIENWICHAI

LEANDER LAZARO

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with