Iba ang inaasinta ng TnT

MANILA, Philippines - Hindi na pinupuntirya ni coach Chot Reyes ang pamumuno sa kasalukuyang KFC PBA Philippine Cup.

Sapat na sa kanya ang makarating sa second place bago pumasok ang ikalawang round ng torneo.

Nakahinga ang Tropang Texters matapos malusutan ang bigating Barangay Ginebra, 82-72, salamat sa hindi paglalaro nina Jayjay Helterbrand at Mark Caguiao.

“If we can find a way to win our next two games, we'll just be a game behind the second placer after the first round of the elims. That's not bad," sabi ni Talk N Text coach Chot Reyes.

Haharapin ng Talk N Text ang Burger King sa pagbabalik ng PBA sa Ynares Center sa Antipolo City sa alas-5:00 ng hapon.

Kasalukuyang nasa three-way tie sa third place ang Tropang Texters na may 5-3 record kasama ang Sta. Lucia at ang biktimang Ginebra sa likod ng nangungunang Alaska, 8-1 at pumapangalawang San Miguel, 7-2.

Nakatakda namang sagupain ng Gin Kings ang Coca-Cola sa alas-7:30 ng gabi kung saan hangad ng Tigers na makabangon sa apat na sunod na talo para makaahon sa kulelat na puwesto.

Kung hindi pa rin makakalaro ang mga injured na sina Helterbrand at Caguioa, siguradong sasamantalahin ito ng Tigers upang makaahon sa 1-7 kartada.

Sa pambungad na laban maghaharap naman ang pinakamainit na team sa kasalukuyan na SMBeer sa guest team na Smart Gilas sa alas-2:30 ng hapon.( Mae Balbuena)

Show comments