^

PSN Palaro

Green Archers di nakalusot sa Knights

-

MANILA, Philippines - Sinubok ang katatagan, matagumpay na nalampasan ng Letran ang hamon ng defending champion na La Salle Archers sa kabila ng kakulangan ng tatlong manlalaro, sa pamamagitan ng kabuuang 36 points, naitaguyod ni JP Belencion ang 83-72 pamamayani ng Knights kahapon para sa Philippine Collegiate Champions League na ginanap sa Ynares Sports Arena, Pasig kahapon.

Sumandal sa magiting na performance ni Belencion, uma-bante ang Knights sa Elite Eight ng torneo, kung saan nagtapos ito sa pangatlong pwesto noong nakaraang taon sa likod ng Archers at Ateneo Blue Eagles. 

 “Going to the game, all we wanted was to be able to compete. We even thought of backing out as we only have 10 players left with Rey Guevarra and Kirk del Rosario injured and RJ Jazul tied up with Smart Gilas,” ani Letran coach Louie Alas.

 “Belencion’s shooting was the key. He opened up a big lead for us making us realize we can’t just compete but we can win the game,” dagdag pa nito.

Kumolekta ang 6’2” wingman ng Knights ng 36 puntos nang maglista ito ng 10 tres at umiskor sa lahat ng point zone kung saan naidistansya nito ang koponan sa 64-52 patungo sa huling yugto ng laban.

Nag-ambag rin si Reymar Gutilban ng 15 points para basagin ang depensa ng Archers, na naghihintay na mahanay sa semis upang makalaban ang magwawagi sa San Sebastian-San Carlos match.

Bagamat sinubukang umahon, nailapit ng Archers sa 80-66 ang marka subalit agad na nilimitahan ng Knights nang magpakawala ng sunod sunod na tres ang tambalang Belencion at Gutilban. (Sarie Nerine Francisco)

ATENEO BLUE EAGLES

BELENCION

ELITE EIGHT

LA SALLE ARCHERS

LETRAN

LOUIE ALAS

PHILIPPINE COLLEGIATE CHAMPIONS LEAGUE

REY GUEVARRA AND KIRK

REYMAR GUTILBAN

SAN SEBASTIAN-SAN CARLOS

  • Latest
  • Trending
Latest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with