300 players nagpalista na sa Ramos Youth Cup
MANILA, Philippines - Dadagsa para makilahok sa iba’t- bang dibisyon ng Ming Ramos Youth Cup Victor Age Group Badminton Championships 2009, may 300 manlalaro na ang nagpalista para sa torneong magsisimula sa Nob. 28 na gaganapin sa Club 650 sa Libis, QC at sa Rizal Memorial Sports Complex’s badminton hall.
Dahil sa impresibong performance na pinamalas sa World Juniors Championships sa Malaysia, babandera sina Malvinne An Alcala at Gelita Castilo para sa under-15, -17 at -19 divisions.
Bunga ng laki ng bilang ng mga lalahok, sisimulan ang event sa Biyernes sa ganap na alas-6 ng gabi sa Club 650, ayon sa Philippine Badminton Association (PBA), at susundan ng ikalawang araw sa Nob. 28 sa Rizal Memorial para sa huling dalawang araw, kung saan ito rin ang magsisilbing tryout ng mga players para sa national youth training pool, pahayag ni PBA sec-gen George Piano.
Bukod sa 19-under class, ang iba pang kategorya na bubuo sa patimpalak ay kinabibilangan ng 11-under, 13-under, 15-under, 17-under para sa boys at girls.
Bilang pagsuporta, bibigyang kulay rin ng miyembro ng top badminton clubs at samahan ng naturang isport sa bansa tulad ng Allied Badminton, Whackers Badminton Academy, JLTC-Battledore, WWGBA, ETC.
Pamumunuan ni top seed Paul Vivas at No. 2 Joper Escueta ang hanay ng mga partisipante para sa boys’ singles under-19 category ng event na hatid ng Victor PCOME. (Sarie Nerine Francisco)
- Latest
- Trending