Nokia-RP di nakalusot sa Iran
JOHOR BAHRU, Malaysia-- Buong giting na ipinamukha ng Asian superpower Iran ang kanilang lakas makaraang igupo ang Nokia U-16 Team Pilipinas, 76-70, sa FIBA Asia U-16 Men’s Championship noong Lunes ng gabi sa Bandaraya Stadium dito.
Sa ipinakitang magiting na porma sa second period, tulu-yang nawalan ng pag-asa ang Nationals upang malasap ang kauna-unahang kabiguan sa torneo na naglagay sa kanila sa must-win situation kontra sa Jordan na nilalaro pa habang sinusulat ang balitang ito, para mapalakas ang kanilang kampanya sa semifinal slot.
Gayunpaman, ang tagum-pay nila sa Jordan ay maglalagay sa kanila sa entablado laban sa China, habang ang Iran na nakikipagbuno pa sa Syria kagabi ay makakaharap ang Korea sa isa pang pares ng semis na may nakatayang puwesto sa 2010 FIBA World U-17 Men’s championship sa Hamburg, Germany.
At alam ni Team Pilipinas mentor Eric Altamirano na imposibleng mapabagsak ang China, pero maaaring gawin.
Bumandera si Keifer Ravena sa kanyang inilistang 26 puntos katulong si Von Pessumal na may 13 produksiyon para sa Team Pilipinas na dalawang beses tinalo ang Iranian team sa 2nd Nokia Invitational Cup sa Cebu City.
Iran 76-- Fattahi 20, Yousefi 15, Zangeneh 11, Ogaghi 10, Sedishi, 9, Mashayekhi 8, Khademnamdari 2, Faghihparvar 1, Abediaraei 0, Taherikolahdooz 0, Monji 0, Behzadi 0.
Philippines 70-- Ravena 26, Pessumal 13, Pate 8, Tolomia 6, Teng 5, Alolino 5, Romero 4, Ferrer 2, Sara 1, Javillonar 0, Bantayan 0.
Quarterscores:15-19, 38-26, 59-55, 76-70.
- Latest
- Trending