^

PSN Palaro

Mayweather-Pacquiao deal pinaplantsa na

-

MANILA, Philippines - Nagsimula na ang negosasyon sa pagitan ng Team Pacquiao at ng kampo ni Floyd Mayweather Jr. para sa inaabangang laban ng dalawang kinikilalang mahusay na boxers sa ngayon, ayon sa pahayag ni Golden Boy Promotions CEO Richard Schaefer sa espn.com.

Nagapunta na si Schaefer sa Las Vegas para makipagkita kay Top Rank chief Bob Arum, ang promoter ni Pacquiao sa isang pananghalian sa MGM Grand.

"Floyd and me want to see if we can get the fight done," sabi ni Schaefer, na bagamat walang promotional contract kay Mayweather, ay siya ang kumatawan para sa boxer sa huling tatlo nitong laban at sa pagkakataong ito, siya rin ang napili ng kampo ni Mayweather. "The fact that I am flying to Las Vegas to meet with Bob shows you how serious our side is about making the fight.

"Bob and I will approach this without egos and try to get it done under fair terms. Floyd gave me his marching orders and I will see today how it goes and report back,” aniya.

Ang pagsasagupa nina Pacquiao at Mayweather ay inaasahang siyang pinakamalaking laban na magaganap sa susunod na taon na babasag ng mga records sa boxing kung pag-uusapan ang kita.

 Ang nakaraang panalo ni Pacquiao (50-3-2, 38 KOs) kay Miguel Cotto sa technical knockout sa 12th round para makopo ang welterweight title, na kanyang ikapito sa iba’t ibang divisions ay kumita ng 1.25 million units sa pay-per-view na may $70 million sa domestic television revenue.

Ang panalo naman ni Mayweather (40-0, 25 KOs), ang dating welterweight champ at pound-for-pound king bago ang kanyang maigsing retirement, noong Sept. 19 sa kanyang pagbabalik sa boxing, kay lightweight champion Juan Manuel Marquez sa lopsided unanimous decision ay may 1.05 million buys sa pay-per-view.

Ang all-time pay-per-view record ay 2.44 million buys sa panalo ni Mayweather kay Oscar De La Hoya noong 2007.

"I can confirm I am meeting with Richard, but I'm not going to talk about the specifics," sabi naman ni Arum sa ESPN.com. "It's a meeting where we will try to make the fight. Whether it can be made or not in this meeting, I don't know. We'll see what we will see." (Mae Balbuena)

BOB AND I

BOB ARUM

FLOYD

FLOYD MAYWEATHER JR.

GOLDEN BOY PROMOTIONS

JUAN MANUEL MARQUEZ

LAS VEGAS

MAYWEATHER

PACQUIAO

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with