Sayang si Sonsona

Nakapanghihinayang naman ang nangyari kay Marvin Sonsona.

Bakit?

Aba eh sayang ang korona niya na mawawala lang dahil sa kapabayaan.

Kapabayaan dahil bakit hindi nakita ng kanyang trainer kung sino man yun na overweight na pala ito. At two lbs. overweight ha, mabigat na yun.

Draw ang naging laban niya kay Alejandro Hernandez ng Mexico na kung hindi siya overweight ay siya pa rin ang mag-aangkin ng WBO flyweight crown.

Sayang naman!

Sino kaya ang trainer nito at hindi namonitor ang kanyang timbang?

Kunsabagay, bata pa naman si Sonsona at marami pang pagkakataon.

Although bakante na ang titulong yun, hindi na uli puwedeng makuha ni Sonsona yun. Gayunpaman, pwede siyang maging kampeon uli sa higher weight category.

At dahil bata pa siya, may maganda at malaking hinaharap pa siyang darating.

Kaya sana makakuha siya ng isang mahusay na trainer.

* * *

O well mabuti at nanalo naman si Rodel Mayol sa kanyang laban kay Edgar Sosa at maagaw ang WBC lightflyweight title.

Kung nawala man ang korona kay Sonsona, nakakuha naman ng world title si Mayol.

* * *

Ang saya-saya ni Ato Agustin noong Linggo ng gabi sa awarding ng UAAP-NCAA Collegiate basketball award.

Si Ato ang napiling Coach of the Year sa NCAA side sa paggiya niya sa San Sebastian College, habang ang coach niya sa San Miguel Beer na si Norman Black na nagmando naman sa Ateneo ang Coach of the Year sa UAAP.

Masaya kaming nag-uusap ni Ricky Palou ng Ateneo habang pinagmamasdan sina Norman at Ato sa kanilang pagtanggap ng award.

Sabi ni Ricky, hindi daw tumatanda ang mukha ni Ato, na sinang-ayunan ko naman dahil kahit katabi niya ang mga players niya parang siya lang ang kuya ng mga ito.

* * *

Sad naman si Ricky dahil talo ang Ateneo OraCare sa kanilang laban para sa fourth slot ng Final Four sa Shakey’s V-League.

Talo ang Lady Eagles sa FEU Lady Tamaraws.

Sayang naman!

Sabi ni Ricky kulang daw sa ‘puso’ ang mga players.

Hala, saan kaya napunta ang ‘puso’ ng Lady Eagles?

He he he!

* * *

Dinenay ni Manny Pacquiao ang tsismis tungkol sa kanila ni Krista Ranillo at sinabing friends lang daw sila.

Ha ha ha friends lang daw!

Kunsabagay masarap maging friend si Manny Pacquiao.

Yun lang!

Naaalala ko tuloy yung kwentong Samson and Delilah. Di ba si Samson ang pinakamalakas na tao? Pero dahil kay Delilah nasira siya.

Kaya sana hindi masira ang career at lahat ng pangarap in Manny ng dahil sa babae.

Yun lang!

* * *

Happy birthday kay Boss Miguel G. Belmonte (Nov. 27) PSNgayon Metro editor Jo Lising Abelgas (Nov. 27) at Jay Sarmiento (Nov. 27) at kay Tatay Arsenio Cadahig sa (Nov. 29). Si Tatay ay masugid na reader ng sports page ng Pilipino Ngayon. Sana’y mabiyayaan pa kayo ng magandang kalusugan at marami pang kaarawang darating.

Show comments