MANILA, Philippines - Humirit sa huling pagkakataon, hindi na pinakawalan ng defending champion na si Johnny Arcilla at four-time titlist Czarina Mae Arevalo ang pagkakataong pumarada at umukit ng magandang record sa pagtatapos ng taon nang magningning ito sa kani-kanilang laban upang tumungo sa ikalimang titulo ng 28th Philippine Columbian Association (PCA) Open kahapon.
Sumemplang sa diskarte, nadaig ng Southeast Asian Games bound na si Arcilla ang mga taktika ni Milan based player na si Marc Reyes, 6-3, 6-3, 6-1, sa pamamagitan ng five-set title showdown, habang hiniya naman ni Arevalo ang top seed na si Anna Christine Patrimonio, 6-2, 6-3, para sa ladies’ singles finals.
Bunga ng kanyang karanasan sa laban, sinamantala ni Arcilla ang pagiging beterano upang durugin ang baguhang si Reyes sa kanilang pagtutuos.
Sa kabilang banda, kumpiyansa sa laban, nanatiling solido ang performance na pinamalas ni Arevalo, sapat upang basagin ang tsansa ni Patrimonio.
“Alam kong lamang ako sa kaniya. Motivated ako going into this game dahil may gusto akong patunayan hindi lang sa sarili ko maging sa mga taong hindi naniniwala sa kakayahan ko,” ani Arevalo na tulad ni Arcilla ay sasabak rin sa SEA Games sa Vientiane, Laos.
Para sa men’s doubles, pinatalsik nina Australian Open junior doubles champion Francis Casey Alcantara at Ronald Joven ang two-time champions na sina Arcilla at Patrick John Tierro, 7-6 (2), 6-2. (Sarie Nerine Francisco)