^

PSN Palaro

Patrimonio vs Arevalo sa Finals

-

MANILA, Philippines - Ang pinanabikang pagtatagpo ng magkapatid na Anna Christine at Anna Clarice Patrimonio ay naglaho nang umentra ang four-time champion na si Czarina Mae Arevalo sa ladies singles championships ng PCA Open sa PCA indoor clay-shell court sa Paco, Manila.

Walang habas na tinalo ni Arevalo si Anna Clarice , 6-2, 6-3 upang isaayos ang kanyang pakikipagtipan sa nakatatandang si Anna Christine na tinapos naman si Jessica Angra, 6-3, 6-2.

Tila nangangapa sa pagpasok sa semis, sinamantala ng 22 anyos na si Arevalo ang kinakabahang si Anna Clarice na gumawa ng double faults sa ikalawang set.

Wala namang naging problema ang top seed na si Anna Christine sa kanyang pagpatid sa pangarap ng kalaban.

"Itinaas ko lang ng itinaas ang bola. Hinintay ko lang yung right time para maka-diin sa kaniya," wika ni Anna Christine.

Inaasinta ang kanyang ikatlong kampeonato, nauna nang nakapagsubi ang 17 anyos na si Anna Christine ng titulo sa Metro Open at Lucena Open noong Mayo at Hunyo, ayon sa pagkakasunod.

"Kailangan ko ng sapat na pahinga ngayon para sa laban ko tomorrow kay Czarina. Pareho sila ng laro ng sister ko pero mas consistent siyang (Arevalo])maglaro. Ini-expect ko na tatakbo ako ng tatakbo," wika ng magandang anak ni 4-time PBA MVP Alvin Patrimonio.  

Ang laban nina Arevalo at Patrimonio ay nakatakda bandang alas-11 ng umaga na susundan naman ng titular showdown nina defending champion Johnny Arcilla at Milan-based Marc Reyes sa ala-una ng hapon. (Sarie Nerine Francisco)

ALVIN PATRIMONIO

ANNA

ANNA CHRISTINE

ANNA CLARICE

ANNA CLARICE PATRIMONIO

AREVALO

CZARINA MAE AREVALO

JESSICA ANGRA

JOHNNY ARCILLA

LUCENA OPEN

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with