^

PSN Palaro

FEU o Ateneo?

-

MANILA, Philippines - Salpukan ng dalawang koponang puntirya ang hu-ling upuan sa semis, inaasahang isang eksplosibong sagupaan ang matutunghayan sa pagitan ng Far Eastern U at Ateneo-Ora-care ngayon para sa playoff ng Final Four ng Shakey’s V-League Season 6 second conference sa The Arena, San Juan.

Ang dalawang grupo ay nagkahiwalay nang landas ng Lady Eagles nang harapin ang Lady Tams 3-1 sa elims. Ngunit ang pinakamalaking panalo nito ay nang pataubin ang namamayagpag na UST sa loob ng limang sets upang ipwersa ng sudden death match para sa ikaapat na semis berth ng torneong hatid ng Shakey’s Pizza.

Tatlong grupo ang magkakatabla sa ikatlong pwesto na may 7-5 kartada sa pagtatapos ng quarterfinals kung saan maswerteng nasungkit ng Adamson ang ikatlong posisyon sa likod ng UST at San Sebastian sa pamamagitan ng superior tiebreak score, kung saan naiwan nitong nakikipagbuno para sa huling pwesto ang Ateneo at FEU .

Magkaiba ang direksyon, nakabawi ang Ateneo habang nalulong naman sa four-skid game ang FEU makalipas na makapagtala ng impresibong 6-1 kampanya ng single round robin elims.

Gayunpaman, paniguradong magiging malaking eksena ang sasalubong sa pagbubukas pa lamang ng naturang laban.

Inaasahang aarangkada para sa Ateneo si top hitter Charo Soriano na nagbalik na mula sa dalawang linggong bakasyon. Susuporta rin sina top scorer Fille Cainglet, Angeline Gervacio, Denise Acevedo, Jamenea Ferrer, Bea Pascual at Gretchen Ho upang iparada ang kontensyon. (SNF)

ANGELINE GERVACIO

ATENEO

BEA PASCUAL

CHARO SORIANO

DENISE ACEVEDO

FAR EASTERN U

FILLE CAINGLET

FINAL FOUR

GRETCHEN HO

JAMENEA FERRER

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with