^

PSN Palaro

4,000 runners sali sa Fit N Right Fun Run

-

MANILA, Philippines - Humigit-kumulang sa 4,000 runners mula sa amateur at professional ranks ang makikita sa Dare to be Fit ‘N Right’ Challenge Fun Run ng Del Monte Fit ‘N Right’ bukas sa SM Mall of Asia grounds.

Ayon kay race director Ed Dames ng nag-oorganisang Creative Enterprises Management Corporation, gusto nilang ipakalat ang kahalagahan ng kalusugan sa bawat Pinoy.

"Yes, we are staging this race, not only for the purpose of holding a race event, but most importantly to promote fitness among our people through, what else but running," ani Dames.

Kabuuang premyong P300,000 ang nakataya para sa naturang karera, habang may tsansa naman ang mga hindi papasok sa top three na manalo sa raffle na magtatampok sa Lenovo laptop bilang grand prize.

Ang mga kalahok ay maaa-ring manalo ng cash at special prizes mula sa Del Monte Fit ‘N Right at iba pang sponsors kagaya ng SM Mall of Asia, SM Hypermart, Asianic, Fitness First, Gardenia, Lenovo, Manila Bulletin, Mitsubishi, Runners Speak, Solar Sports, Tai Chi, Takbo.ph at Taste Asia.

Ang tatlong race categories ay ang 3K, 5K at 10K.

Bibigyan ang mga race participants ng race “shoeput” na may singlet, race bib at Fit ‘N Right products, dagdag ni Dames.

Ang mga interesado ay maaring magtungo sa Del Monte Philippines office sa Bonifacio High Street, Taguig at sa race organizer CEMG sa 3A Vernida I Building, Amorsolo St., Legaspi Village.

Para sa iba pang detalye, tumawag kay race director Ed Dames sa 892-5842, 0920-9543599 o sa email [email protected] at [email protected]. (Russell Cadayona)

AMORSOLO ST.

BONIFACIO HIGH STREET

CHALLENGE FUN RUN

CREATIVE ENTERPRISES MANAGEMENT CORPORATION

DEL MONTE FIT

DEL MONTE PHILIPPINES

ED DAMES

MALL OF ASIA

N RIGHT

RACE

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with