So, Antonio at Laylo sasabak sa World Cup
MANILA, Philippines - Umalis kahapon sina GMs Wesley So, Joey Antonio at Darwin Laylo para makipagtunggali sa mga pinakamahuhusay na players sa mundo sa World Chess Cup na magsisimula bukas sa Khnaty-Mansiysk, Russia.
Si So, ang highest-rated chess player ng bansa ay makikipagtipan kay GM Gadir Gueseinov ng Azerbaijan sa kanyang pagbubukas ng kampanya.
Makakalaban naman nina Antonio at Laylo ang mga may karanasan ng higher-rated na kalaban na sina American No. 27 Gata Kamsky at No. 21 GM David Navara ng Czech Republic, ayon sa pagkakasunod.
Si Kamsky ay isa sa natatanging tatlong players na seeded sa torneong ito bunga ng kanyang partisipasyon sa 2007 World Cup.
Tulad ni Gusienov, nakakuha din ng slot si Navara sa World Cup sa pamamagitan naman ng European Championships.
- Latest
- Trending