Torres, Pecante at Pinoy jins sa SCOOP

MANILA, Philippines - Magkakaroon ng star-studded guests, kabilang si long jumper Maristela Torres at powerlifter Erlina Pecante, ngayon sa lingguhang forum ng SCOOP sa Kamayan sa Kamayan Restaurant-Padre Faura.

Si Torres, gold medalist sa nakaraang Asian Athletics Association championships sa Guangzhou, China, at Pecante, bronze medalist sa World Open Powerlifting championships sa Haryana, India, ay sasamahan ng mga coaches at members ng RP taekwondo team para sa Southeast Asian Games, sa pamumuno nina Olympians Tsomlee Go at Mary Antoinette Rivero.

Babalitaan ni national taekwondo coach Rocky Samson at ng kanyang mga kasama ang mga miyembro ng Sports Communicators Organization of the Philippines ng kanilang kahandaan para sa 24th edition ng SEA Games sa December sa Laos.

Panauhin din sa sesyon ngayon na hatid ng ng ACCEL, ay ang mga teammates ni Torres sa 3As meet na miyembro rin ng RP athletics sa SEA Games at head coach Joseph Sy, sina national shooters Carolino Gonzales at Robert Donalvo at organizers ng Del Monte Fit ‘N Right Fun Run sa pangunguna nina coach Jim Saret at race director Ed Dames bandang alas-11:00 ng umaga at maririnig ng live sa Sports Radio sa hapon.

Show comments