Zoleta lusot kay Ho; Patrimonio wagi
MANILA, Philippines - Isang maliksing manlalaro ang pinarada ng defending champion na si Bambi Zoleta sa engkwentro nito kontra kay Jasmine Tan Ho para patumbahin ang huli sa pamamagitan ng 6-4, 6-4 sa second round ng ladies singles ng 28th Philippine Columbian Assosciation (PCA) Open PCA indoor clay-shell courts sa Plaza Dilao, Paco, Maynila.
"Sobrang lamig ng game ko kanina,” wika ng dinsmayadong si Zoleta. “Hinihintay ko na lang siyang magkamali kasi medyo hindi siya sanay sa long rallies, naiinip siya agad kaya medyo marami siyang unforced errors.”
Dahil sa naturang pagwa-wagi, haharapin ng 17 anyos na miyembro ng College of St. Benilde na si Zoleta ang No. 8 na si Anna Clarice Patrimonio sa quarterfinals.
Dinurog ni Patrimonio si Lenlen Santos sa iskor na , 6-0, 6-3.
Samantala,para sa men’s singles, matagumpay ring nakatawid sina No.2 at last year’s runner up na si Patrick John Tierro at third pick Elbert Anasta sa quarters ng event na pinrisinta ng Cebuana Lhuilier.
Tinalo ni Tierro si Joel Palao, 6-0, 6-1, habang kinopo ni Anasta si McLean Barraquias, 7-5, 6-3.
Nakatakda naman ang pakikipagtipan ni Tierro kay fifth rank Ralph Kevin Barte, na nagpasuko kay Michael Mantua, 6-1, 6-4, sa quarterfinals. Sa kabilang banda, nakaabang na si Anasta sa kanyang makakalaban sa kung sino ang mananig sa sagupaan nina Francis Casey Alcantara at Ronald Joven.
Kasama rin sina sixth pick Rolando Ruel at No. 8 Rocky Paglalunan sa mga aabante sa quarterfinals ng torneong suportado ng Pera Padala, Alagang Cebuana Plus, Just Jewels, Le Soleil De Boracay, Phiten, Accel, Coca Cola Bottlers, Dunlop, San Miguel, Universal Paint, Pagcor, Pet One, Little Lawrence, Babolat, Philta, Whirlpool, Pixel Project, Burlington Sports Socks, RFM Corp, Shirt Republik, Manila Bulletin, Business Mirror, The Manila Times, Malaya, Tribune, Philippine Star at Solar Sports.
Para sa ladies’ singles, susuong sa panibagong round sina No. 1 Anna Christine Patrimonio kasama sina third pick Aileen Rogan, fourth rank Michelle Pang, fifth seed Czarina Mae Arevalo at Zoleta.Binasag rin ni Patrimonio si Jonicka Guba, 6-0, 6-0; katulad ng pagdomina nina Rogan, Pang at Arevalo. (Sarie Nerine Francisco)
- Latest
- Trending