MANILA, Philippines - May kakaibang lakas na ipinakita, dinaig ni SEA Games veteran Michelle Pang si Akiko de Guzman, 6-0, 6-3, sa unang round ng ladies singles sa 28th Philippine Columbian Association (PCA) Open sa PCA indoor clay-shell court sa Plaza Dilao, Paco, Manila.
Malinis na kinuha ng 21 anyos na si Pang ang unang set ngunit nagluwag sa ikalawang round na na-ging daan upang makaiskor pa si De Guzman. Ngunit hindi naging sapat ang laro ng 14 anyos na si De Guzman sa malawak na karanasan at magiting na porma ni Pang.
Dahil sa panalong ito, nakatakdang harapin ng 4th seed na si Pang si Marinel Rudas sa susunod na round ng torneong hatid ng Cebuana Lhuillier. Tinalo ni Rudas si Ivy de Castro, 6-0, 7-5.
Samantala, magaan na umusad ang tamba-lang grand slam champion Francis Casey Alcantara at Ronard Joven makaraang igupo sina Aldrin Geluz at Hanky Lee, 6-0, 6-2, sa third round ng men’s doubles sa loob lamang ng kulang isang oras na paluan.
Sa ladies singles, nanaig si third seed Aileen Rogankay Kirstie Barraquias, 6-1, 6-0, habang pinayuko ni sixth pick Jessica Agra si Zhane Quitara, 6-4, 6-0. Binokya naman ni seventh rank Regina Santiago si Jenelyn Magpayo, 6-0, 6-0. (SNFrancisco)