MANILA, Philippines - Mahigit sa isandaang koponan ang kasali sa Nokia National Basketball Training Center (NBTC) D-League na magsisimula sa Disyembre 6, Linggo sa Jacinto Tiu Gym sa Xavier Sports Center.
Ito na ang pinakamalaking grupo mula noong nag-umpisa ang liga na may 29 na team noong 2008-2009. Ang naturang kumpetisyon ay suportado ng Nokia Pilipinas at TAO Corporation sa ilalim ng Samahang Basketbol ng Pilipinas sa pamumuno ni Manny Pangilinan at executive director Noli Eala.
May mga teams mula sa Baguio, La Union, Pampanga, Olongapo, Tarlac, Batangas, Laguna, Cavite, Lucena, Palawan, Bicol, Iloilo, Bacolod, Cebu, Bohol, Dumaguete, Ormoc, GenSan, Davao, Cagayan, Iligan, Zamboanga at Butuan.
Mula naman sa National Capital Region (NCR) ay ang Manila, Quezon City, San Juan/Pasig/Mandaluyong, Antipolo, Caloocan, Marikina, Pasay/Makati/Taguig, Parañaque at Las Piñas/Muntinlupa.
“There was a huge clamor after last year’s tournament so we have to make our cast even bigger to cater to more players and coaches,” wika ni tournament Director Manny Nitorreda sa naiibang16-and-under grassroots program.
Ayon kay Nitorreda, magkakaroon ng NCR champion at provincial champion sa Mayo 2010.