^

PSN Palaro

Mas malaking Nokia D-League

-

MANILA, Philippines - Mahigit sa isandaang koponan ang kasali sa Nokia National Basketball Training Center (NBTC) D-League na magsisimula sa Disyembre 6, Linggo sa Jacinto Tiu Gym sa Xavier Sports Center.

Ito na ang pinakamalaking grupo mula noong nag-umpisa ang liga na may 29 na team noong 2008-2009. Ang naturang kumpetisyon ay suportado ng Nokia Pilipinas at TAO Corporation sa ilalim ng Samahang Basketbol ng Pilipinas sa pamumuno ni Manny Pangilinan at executive director Noli Eala.

May mga teams mula sa Baguio, La Union, Pampanga, Olongapo, Tarlac, Batangas, Laguna, Cavite, Lucena, Palawan, Bicol, Iloilo, Bacolod, Cebu, Bohol, Dumaguete, Ormoc, GenSan, Davao, Cagayan, Iligan, Zamboanga at Butuan.

Mula naman sa National Capital Region (NCR) ay ang Manila, Quezon City, San Juan/Pasig/Mandaluyong, Antipolo, Caloocan, Marikina, Pasay/Makati/Taguig, Parañaque at Las Piñas/Muntinlupa.

“There was a huge clamor after last year’s tournament so we have to make our cast even bigger to cater to more players and coaches,” wika ni tournament Director Manny Nitorreda sa naiibang16-and-under grassroots program.

Ayon kay Nitorreda, magkakaroon ng NCR champion at provincial champion sa Mayo 2010.

DIRECTOR MANNY NITORREDA

JACINTO TIU GYM

LA UNION

LAS PI

MANNY PANGILINAN

NATIONAL CAPITAL REGION

NOKIA NATIONAL BASKETBALL TRAINING CENTER

NOKIA PILIPINAS

NOLI EALA

QUEZON CITY

SAMAHANG BASKETBOL

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with