^

PSN Palaro

POWERHOUSE BEERMEN

FREETHROWS - AC Zaldivar -

HINDI naman nakapagtataka ang biglaang pag-akyat sa standings ng San Miguel Beer sa 2009 KFC-PBA Philippine Cup.

Kahit na natalo ang Beermen sa una nilang dalawang games kontra sa Barangay Ginebra (98-86) at Alaska Milk (85-74), alam naman ng karamihan na makakabangon ang tropa ni coach Bethune “Siot Tanquingcen. Isa ang San Miguel Beer sa itinuturing na pre-season favorites. At galing pa sila sa paghahari sa nakaraang Fiesta Conference, hindi ba?

Matapos dalawang talo, ang Beermen ay humataw ng limang sunod na panalo kontra Burger King (117-99), Talk N Text (100-90), Rain or Shine (93-77), Sta. Lucia Realty (88-69) at Purefoods Tender Juicy Giants (92-76) upang umakyat sa ikatlong puwesto sa kartang 5-2.

At ang isa sa pinakamalaking dahilan sa kanilang pag-angat ay si Arwind Santos na nakuha nila buhat sa Burger King sa off season. Siya ang bagong take-charge guy ng San Miguel at sa pitong laro ay nag-aaverage siya ng 16.71 points, 11.14 rebounds, 157 assists, dalawang steals, 1.43 blocked shots at dalawang errors sa 32.14 minuto. Siya ang leader ng San Miguel sa scoring at rebounding.

Hindi naman bago si Santos sa organisasyon ng San Miguel dahil sa dati siyang manlalaro ng Magnolia na siyang koponan ng SMC sa Philippine Basketball League (PBL). So, kahit paano’y kabisado siya ng management ng SMC at parang nag-homecoming lang siya.

Ang nakakapanlaki ng mata sa five-game winning streak ng Beermen ay ang pangyayaring nagawa nila ito sa kabila ng hindi paglalaro nina Danny Ildefonso, Danny Seigle at Anthony Washington na pawang injured!

Aba’y hindi basta-basta ang mga manlalarong nami-miss ng San Miguel Beer ha! Mga premyadong players ito. Si lldefonso ay two-tme Most Valuable Player. Si Seigle ang kanyang partner sa napakaraming kampeonato na nakamtan ng Beermen sa mga nagdaang season. At si Washington, na nakuha nila sa Talk N Text noong nakaraang taon, ay nakapag-ambag ng malaki sa kanilang tagumpay sa Fiesta Conference.

Kung itinuturing na malakas ang San Miguel at nakakapanalasa na nga ito sa kasalukuyan, aba’y ano pa ang puwedeng sabihin patungkol sa Beermen kapag nagbalik sa active duty ang tatlong manlalarong ito?

Nakakapanindig balahibo ang possibilities!

Kasi, kung magiging healthy ang lahat ng manlalaro ni Tanquingcen, aba’y parang puwede siyang mag-coach nang nakapikit ang mata at nakatali ang kamay at tiyak na positibo pa rin ang magiging resulta ng mga laro nila.

Sa totoo lang, malamang na naiinggit ang karamihan ng coaches sa lalim ng bench ni Tanquingcen. Walang panapon, e. Mamumrublema pa nga siya kung sino ang ilalaglag sa reserved list sa pagbabalik ng mga injured superstars niya!

Pero masayang problema ‘yun!

ALASKA MILK

ANTHONY WASHINGTON

ARWIND SANTOS

BARANGAY GINEBRA

BEERMEN

BURGER KING

FIESTA CONFERENCE

SAN MIGUEL

SAN MIGUEL BEER

TALK N TEXT

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with