Tambalang Reyes-Amit sasabak sa World Mixed Doubles Classic

MANILA, Philippines - Pangungunahan nina pool legend Efren “Bata” Reyes at Rubilen Amit ang mga sasabak sa World Mixed Doubles Classic sa Dec. 1-3 sa Nuvo City sa Quezon City.

Sina Reyes at Amit ang magkapartner para sa unang team ng RP habang makikipagtambalan naman si Francisco “Django” Bustamante kay Fil-Am Shanelle Loraine sa 10-ball event na katatampukan pa ng apat pang foreign teams, na pangungunahan nina Mika Immonen at Shane Van Boening.

Ipapalabas ng ESPN Star Sports at ABS-CBN ang 12 oras ng event ng live sa Asia at dito sa bansa. Ang Dragon Promotions ang producer ng inaugural event sa pakikipagtulungan ng Puyat Sports.

Makakasama ni Van Boening, ang US Open champion, kay US Amateur Women’s champion Amy Chen, habang si Hayato Hijikata at Kaori Ebe na mangunguna para sa Japan. Makakapares ni Immonen, ang world No. 1, si Albanian Borana Andoni para sa Team Europe at ang Team Korea ay sina Charlie Williams at Yu Ram Cha, tumapos bilang fifth sa Women’s World 10-Ball Championship ng taong ito.

Ang Reyes-Amit tandem ang sinasabing team to beat dahil sa sunud-sunod na panalo ng huli.

Show comments