MANILA, Philippines - Tinuldukan ang masamang kapalaran makaraang magtamo ng two-game pagbagsak, naitaguyod ng Far Eastern U ang kontensyon sa quarterfinal round ng pataubin ang St. Benilde sa pamamagitan ng 25-14, 25-19, 24-26, 25-18 para mapangalagaan ang ikalawang pwesto sa Shakey’s V-League Season 6 sa The Arena, San Juan kahapon.
Mula sa impresibong performance sa elims na may 6-1 baraha, hinagupit ng solidong service ng Lady Tams ang Lady Blazers para burahin ang dalawang malas na laban nito at muling painitin ang damdamin ng grupo para sa semis berth.
Samantala, makalipas na makuha ang malaking panalo kontra Ateneo Oracare, nahulog ang Lady Blazers sa 3-6 rekord.
"We focused more on our service,” ani FEU coach Nes Pamilar na ginamit ang malulupit na hampas nina top hitter Cherry Vivas at guest player Rachel Daquis.
Naging kampante, nakapuntos ang Lady Blazers kung saan dinugtungan nito ang match, subalit inagapan agad ito ng Lady Tams nang angkinin ang 18-8 kalamangan at sugurin ang kalaban sa pamamagitan ng 21 hits ni Vivas habang nakatulong rin ang 20 at 17 points kontribusyon nina Daquis at Gonzales para sa FEU bilang paghahanda sa eksplosibong laban nito kontra San Sebastian para sa pagpapatuloy ng ligang inorganisa ng Sports Vision at suportado ng Mikasa, Accel, Mighty Bond at OraCare.
Samantala, bumulsa rin si Giza Yumang ng 17 hits, kabilang ang 13 attacks, habang naglista rin ng 8 points si Ren Agero at dalawang service aces mula kina guest player Rossana Fajardo at Katty Kwan para sa Lady Blazers.
Sa ikalawang laro, nakisosyo ang Ateneo-OraCare sa ikatlong puwesto makaraang igupo ang San Sebastian College, 28-26, 14-25, 25-23, 25-16. (Sarie Nerine Francisco)