Good-luck Manny!-Santiago
LAS VEGAS - Ibigay ang round na ito kay Joe Santiago.
Matapos tumanggap ng mga salita mula sa kanyang counterpart na si Freddie Roach, isang magandang salita ang binigkas ng 32 anyos na trainer ni Miguel Cotto sa final press conference sa Hollywood Theather ng MGM Grand.
“Good luck to Manny. He’s gonna need it,” wika ni Santiago nang hawakan nito ang mikropono at hinaharap ang media. Panandaliang tiningnan si Pacquiao sa presidential table at bumalik agad sa kanyang upuan.
Si Santiago, dating nutritionist at training assistant ni Cotto na ngayon ay chief trainer na makaraang maghiwalay ang Puerto Rican champ at ang kanyang dating trainer na kanyang tiyuhin na si Evangelista Cotto ilang buwan pa lamang ang nakakalipas.
Ngunit binabatikos si Santiago, ang batam-bata at hindi mukhang trainer ng champion, dahil sa kakulangan niya sa karanasan. Hindi rin ito dumanas ng laban bilang boxer at sinabi ni Roach na ang trainer ni Cotto ay hindi pa nakakaram-dam ng nasa ibabaw mismo ng ring.
Ngunit sa press conference, ipinaabot niya ang ‘good-luck’ sa Pinoy dahil sa kanyang isipan kailangan ito ni Pacquiao.
“Miguel is in the best shape he’s ever been. And I hope Manny Pacquiao will be in the same level,” ani Santiago.
Nakasuot ng purple sweater, jeans at leather shoes, idinek-lara ni Santiago ang tagumpay ni Cotto.
“We’re only three days away and it will be a great victory for Puerto Rico,” aniya. (AC)
- Latest
- Trending