LAS VEGAS -- May lakas si Miguel Cotto pero walang bilis. Si Manny Pacquiao, ang pound-four-pound champion ay may lakas na may bilis pa rin.
Sa press conference noong Miyerkules, mara-ming katanungan at nagpiyesta ang media sa dalawang boxer sa loob ng Hollywood Theather ng MGM Grand, at halos naubusan na ng sasabihin ang dalawang boksingero.
Konting oras lamang ang itinagal ni Cotto, ang WBO welterweight champion dahil mas maraming katanungan ang ibinato kay Pacquiao, ang challenger mula sa Pilipinas. Walang sawa namang sinasagot ni Pacquiao ang lahat maging boxing, politics at maging ang tungkol sa kanyang alagang aso.
Pinatungkulan ni Pacquiao ang kanyang bilis at maging ang kanyang lakas na susi sa laban na naka-takda sa Sabado (Linggo sa Manila) sa MGM.
Sinabi niya na ang pag-akyat ng timbang, bilang kampon ng flyweight, super-bantamweight, featherweight, super-featherweight, lightweight at junior welterweight divisions, ay hindi gaanong problema dahil napapanatili niya ang kanyang bilis.
“I started at 105 pounds but now my speed is still the same,” wika ni Pacquiao sa mediamen na sinundan pa siya hanggang stage matapos ang isang oras ng press conference.
“My speed is still there. My goal in boxing is to keep my speed even if I move up in weight because if you have speed, you have power,” dagdag ng Pinoy icon na haharapin si Cotto sa 145 lbs, dalawang librang kulang sa welterweight limit.
Inamin ni Pacquiao na mas malakas na fighter si Cotto dahil natural na welterweight ito.
“But of course, we believe in our power, too. We believe in ourselves that we have the advantage,” pahayag ni Pacquiao, na masyadong mabilis at masyadong malakas nang patigilin sina David Diaz, Oscar dela Hoya at Ricky Hatton na parang batang Mike Tyson. (Abac Cordero)