MANILA, Philippines - Papainit pa lamang ang alitan nina Philippine Olympic Committee (POC) president Jose "Peping" Cojuangco, Jr. at Philippine Sports Commission (PSC) chairman Harry Angping.
Isang araw matapos ihanda ni Angping ang malversation case laban kay Cojuangco, sinabi naman ng huli kahapon na handa niya itong harapin sa korte.
“This is exactly what I want, enough of these empty threats and meandering," wika ni Cojuangco sa naging plano kamakalawa ni Angping na sampahan ng kaso ang POC chief bunga ng kabiguan nitong mai-liquidate ang nakuhang P73, 243,524.86 ng Philippine Southeast Asian Games Committee Organizing Committee (Philsoc) para sa 2005 SEA Games.
Bukod kay Cojuangco, ang iba pang planong kasuhan ng PSC ng malversation of public funds ay sina POC chairman at Bacolod City Rep. Monico Puentevella ng Bacolod City Organizing Committee (Bagoc)at Jonathan Guardo ng Cebu City Organizing Committee (Cebusoc).
“There is nothing irregular about the disbursements of funds in the 2005 SEAG. At best there was a difference of opinion between the Commission on Audit (COA) and the Philsoc in terms of auditing procedures but none of the money is missing and Philsoc had barely enough to cover the expenses of hosting the games," ani Cojuangco.
Sinabi ni Angping na nabigo si Cojuangco at ang Philsoc na magsumite ng liquidation report ukol sa hinahanap nilang P73,243,524.86 na mula sa P267,634,507.50 na financial assistance galing sa gobyerno. (Russell Cadayona)