LAS VEGAS - Kahit si Bob Arum, sa loob ng kanyang mahigit 40 taon sa boxing, ay hindi makita ang sagot.
“Let me tell you this. I have never in my forty or forty-six years in boxing seen anything like this. This is not supposed to happen,” pahayag ni Arum sa main lobby ng MGM Grand habang hinihintay ang pagdating ng pinakadakilang boksingero sa planeta ngayon, si Manny Pacquiao.
Si Arum, ang maalamat na promoter, ay hindi makapaniwala kung paano narating ni Pacquiao, mula sa unang araw ng kanyang unang laban bilang pro sa 105 lbs. ang makapagsubi na ng world titles sa flyweight, superbantamweight, featherweight, superfeatherweight, lighteweight at junior welterweight division.
At sa Sabado, pupuntiryahin ng 30 anyos na Pinoy icon ang ikapitong world title sa iba’t ibang weight class, ang WBO welterweight crown na suot ni Miguel Cotto ng Puerto Rico. Wala pang boxer sa kasaysayan ang nanalo ng ganun karaming titulo sa ganun rin karaming dibisyon.
At hawak ni Pacquiao ang natatanging pagkakataon. (Abac Cordero)