HOLLYWOOD -- Bibiyahe si Manny Pacquiao, naghahabol ng kasaysayan, ng 300 mile patu-ngong Las Vegas, limang araw bago ang kanyang aktuwal na laban kay WBO welterweight champion Miguel Cotto ng Puerto Rico.
Limang oras ang biyahe ni Pacquiao at ng isang bus na dala ang mga kaibigan at miyembro ng pamilya patungong Sin City para sa pinal na destinasyon, pitong linggo makalipas ang pani-mula niyang pagsasanay para sa pinakamalaking laban sa kanyang karera.
Pero bago yun, pumasok si Pacquiao sa kahuli-hulihang pagkaka-taon sa Wild Card bago ang laban at isara ang Los Angeles training camp. Nagsagawa ito ng ilang rounds ng sparring at ilang normal na ginagawa niya sa araw-araw.
“Pababa na. Light na lang (We’re cooling down),” wika ng boksingerong uma-asinta ng ikapitong world title sa iba’t ibang weight class. Wala pang boxer sa kasaysayan ng boxing ang nanalo ng maraming titulo, wala kahit sa mga dakilang boksingero ng mga nagdaang heneras-yon.
“Tapos na ang hirap sa training (The tough part of training is over),” ani Pacquiao.
Patungong gym, minaneho nito ang itim na Mercedes pagkatapos isasara ang sparring. Sa ngayon, nakakapag-spar na siya ng 149 rounds at pagkatapos ng sesyon sa Lunes makakapaglista na ito ng parehong bilang ng rounds tulad sa mga nagdaang laban niya, na lahat naman ay malalaking laban.
Dumaan na siya sa lahat ng bagyo sapul nang magsimula itong magsanay sa Manila at apat na linggo sa Baguio City. Ito ang unang pagkakakataon na nagsanay siya ng mahaba sa bansa para sa labang gaganapin sa Amerika.
“I feel I’m a hundred percent now,” wika ni Pacquiao, na bitbit ang mala-king lamang. Halos 3-to-1 itong paborito sa mas bata, mabigat at malakas na boksingero mula sa Puerto Rico.
Nasa Amerika na ang pamilya ni Pacquiao pati na rin ang kanyang asawa at mga dating kasama sa laban. Lahat ay umaasa sa ligtas na biyahe, mala-king panalo at masayang pagbabalik sa bansa sa Nov. 18.
“Malapit na (It’s almost here),” tukoy niya sa kanyang laban, ikalawa nga-yong taon, anim na buwan sapul nang durugin niya si Ricky Hatton para sa ikaanim na titulo. Naghari din ito sa flyweight, super-bantamweight, featherweight, super-featherweight, lightweight at junior welterweight divisions.
At tulad ng nakaugalian, dadalhin ni Pacquiao ang kanyang Lincoln Navigator patungong Las Vegas, habang ang ibang kasama ay nakasakay sa customized bus, na pinaganda ng mga makukulay na imahe. Ang kanyang trainer na si Freddie Roach ay nagda-drive ng sariling sasakyan, isang silver Mercedes patungong Vegas.
Titira ito sa Mandalay Bay, ang kanyang bahay kapag nasa Vegas para sa mga laban. Si Cotto naman ay titira sa MGM Grand. Nasa Vegas na ito sa nakalipas na Linggo, umupa ng mansion para maging home based.
Sa Huwebes ang huling araw ng mga boksingero sa gym kung saan sa Biyernes naman ang official weigh-in bago magharap sa ibabaw ng ring.