^

PSN Palaro

P600,000 pa-premyo para sa magwawagi sa Timex Run

-

MANILA, Philippines - May kabuuang P600,000 at Timex watch bukod pa sa ibang premyo ang nakalaan para sa "Time is Running: The 2009 Timex Run with coach Rio de la Cruz and Piolo Pascual" na tatakbo sa Nov. 15 sa Bonifacio High Street sa Global City sa Taguig.

Ang tatlong pangunahing magtatapos sa lalaki at babae sa lahat ng kategorya, kabilang na ang 3K, 5K, 10K at 21K ay tatanggap ng Timex Ironman Triathlon watches na may kasamang Timex Heart Rate Monitors at latest na Nike running shoes.

Dalawamput-anim na iba pang relo ang ipaparaffle kabilang na ang Timex Heart Rate Monitor at Timex Expedition WS4, sa lahat ng partisipante na umaabot na ngayon sa 4,000 at inaasahang dadagsa pa bago ang deadline sa Nov. 9.

Ang pagpapalista ay naka-centralized sa Nike Park at Bonifacio High Street, Timex Shop at SM North Edsa at sa The Trion Towers Site Showroom sa Fort Bonifacio Global City.

Upang masigurong maayos ang pagtatanghal ng Timex-sponsored event, sinabi ng organizers na lilimitahan ang bilang sa 5,000. Para sa iba pang detalye makipag-ugnayan sa event’s secretariat sa 703-1736.

BONIFACIO HIGH STREET

CRUZ AND PIOLO PASCUAL

FORT BONIFACIO GLOBAL CITY

GLOBAL CITY

NIKE PARK

NORTH EDSA

TIMEX

TIMEX EXPEDITION

TIMEX HEART RATE MONITOR

TIMEX HEART RATE MONITORS

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with