MANILA, Philippines - Pupuntiryahin ng Far Eastern University na masustunihan ang taas ng momentum ng grupo sa impresibong kampan-ya nito sa elimination round sa pakikipagtagpo nila sa Ateneo Oracare sa pagsisimula ng quarterfinal round ng Shakey’s V-League Season 6 ngayon sa The Arena, San Juan City.
Nais ang magandang pasa-bog sa pagbungad ng bagong round, inaasahang magiging magilas ang Lady Tams para iparada ang solidong 6-1 baraha na nakapwesto sa nangu-ngunang University of Santo Tomas.
Para sa engkwentro bukas sa ganap na alas dos, nais ng FEU na maulit ang paglampasong ginawa nito sa Ateneo kamakailan para puliduhin ang tsansa nitong makapasok sa Final Four ng ligang hatid ng Shakey's Pizza.
Pakakaabangan rin ang pagbulusok ng FEU sa pamumuno ng leading scorer ng liga na si Cherry Vivas na tumipa ng 18-point average, at Shaira Gonzalez na nagtatala ng 16 hits sa elims para suportahan ang kontensyon para sa korona ng koponan sa ligang suportado ng Mikasa, Accel, Mighty Bond at OraCare.
Gayundin, hindi rin matatawaran ang pambihirang suporta nina guest player Rachel Daquis, Monique Tiangco, Rose Cabanag at April Jose.
Para sa Ateneo, mangi-ngibabaw ang mga hampas ni Charo Soriano, katuwang sina Angeline Gervacio, Gretchen Ho, Bea Pascual, Jamenea Ferrer at Fille Cainglet, para mapainam ang 4-3 barahang pinanghahawakan.
Samantala, pipiliting makabangon ng San Sebastian sa pagkatalo sa pamamagitan ng pakikipagbuno sa Adamson para sa tampok na laban.
Sumadsad ang reigning five time NCAA champion, San Sebastian sa kamay ng Tigresses sa straight set setback, kung saan napanatili ng huli ang perpektong baraha patungo sa single round quarters kung saan ang top four teams ang papalaring umabante sa semis.
Nanamlay, kumolekta lamang ng 5 points si Elaine Cruz para sa Lady Stags kung kaya't nadurog ito sa Tigresses,11-25, 10-25, 15-25.
Inaasahang pagbubuntunan ng Recoletos based squad ang Adamson para makabalik sa winning track subalit matindi rin ang pag-aasam na pagbangon ng Lady Falcons nang makatikim ng kabiguan sa kamay ng Lady Eagles sa isang dikdikang labanan. (SNFrancisco)