Cavs yuko sa Bulls
CLEVELAND -- Sa isang iglap, muntik na namang madala ni LeBron James sa panalo ang Cleveland Cavaliers.
Ngunit hindi ito pinayagan nina Luol Deng at Joakim Noah.
Pinigil ng dalawang Chicago forward ang salaksak ni James upang tulungan ang Bulls sa 86-85 panalo na pumutol sa three-game winning streak ng Cavaliers.
Ayon kay James, tiyak niyang may foul sa pagbangga sa kanya nina Deng at Noah.
“I didn’t feel like it was even close to being a foul,” sabi ni Noah, iniwan si Shaquille O’Neal para tulungan sa pagbantay si Deng kay James. “I wasn’t worried because there was no contact at all.”
Tumipa si Derrick Rose ng 14 puntos at 11 assists para sa Bulls, habang nagdagdag naman si John Salmons ng 14 marka.
Sa Salt Lake City, humakot sina Carlos Boozer at Deron Williams ng tig-27 puntos para ibigay sa Utah Jazz ang 113-99 panalo laban sa San Antonio Spurs.
- Latest
- Trending