^

PSN Palaro

Palitan ng maanghang na salita nina Roach at Santiago umiinit

-

HOLLYWOOD -- Sa pagitan ng dalawang trainers namumuo ang ‘word war’.

Mula sa kanyang sulok sa Wild Card Gym, nagsabog ng bomba si Freddie Roach kay Joe Santiago noong Huwebes nang mabalitaan ng three-time Tainer of the Year kamakailan na pinatitigil ito ni Santiago.

“Yesterday, I was told that they were saying, ‘f***k off,’ because I talk too much they say,” pahayag ni Roach na walang takot na sinabing babagsak si Cotto sa unang round pa lang.

“But if I can do it again and get inside his head... these young coaches,” anang 49-year-old na si Roach na tumanggap ng kanyang unang pro fight sa Boston Garden noong Agosto 24, 1978, kung saan 32 anyos pa lang si Santiago at nag-aaral pang maglakad.

Hindi itinatago ni Roach ang kanyang nararamdam sa laban at sa maraming panayam sinabi nito na ang Nov. 14 fight ay parang ang nangyari lamang kay Ricky Hatton dahil gagawin din ni Cotto ang naging kamalian ni Hatton.

Tumanggap ng dalawang knockdown si Hatton kay Pacquiao noong Mayo at kung hindi tumunog ang bell wala na ito. Pero sa ikalawang round tinanggap nito ang pinakamalakas na tama at knockout sa kanyang buhay.

Sinabi pa ni Roach na pupusta siya ng $1,000 na patutumbahin ni Pacquiao si Cotto sa first round.

Ngunit hindi ito naririnig ni Santiago,na nagsabing kung talagang matalino ang network ni Roach, hinamon niya ang pinakamainit na trainer sa boxing ngayon na itaya pati ang kanyang tropeo sa MGM Grand sa Las Vegas.

“I heard he said ‘why don’t I put my trophy (as Trainer of the Year) on the line? Well, we’ll see about that after the fight. I have a thousand or a million trophies in boxing and he’s never fought before. He’s never fought in his life. Never in his life,” tanging sambit ni Roach. (Abac Cordero)

vuukle comment

ABAC CORDERO

BOSTON GARDEN

COTTO

FREDDIE ROACH

HATTON

JOE SANTIAGO

LAS VEGAS

PACQUIAO

RICKY HATTON

ROACH

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with