^

PSN Palaro

Pacquiao, cover ng TIME Magazine

- Abac Cordero -

HOLLYWOOD - Sandaling panahon lamang para si Manny Pacquiao ay naging cover na ito ng TIME Magazine.

At sa lahat ng kanyang tagumpay sa labas at loob ng ring, nagawa itong lahat ng 30 anyos na Filipino boxer, na nabiyayaan ng pribilehiyo na normal na iginagawad sa Presidente o Nobel Prize winners o event na may matagal na epekto sa mga tao sa buong mundo.

Para sa November issue na tatama sa mga magazine stand sa Manila sa Martes pagkatapos ng Nov. 14 na laban niya kay Miguel Cotto, mababasa na ang five-page feature ng simula, buhay at mundo ng kasulukuyang pound-for-pound champion.

Naging kauna-unahang Pinoy itong naging cover ng lingguhang news magazine kasunod ni dating President at icon of democracy Corazon C. Aquino, na ang una ay nang pamunuan niya ang 1986 People Power revolt at ikalawa ay noong mamatay ito.

Hindi naman si Pacquiao ang unang boxer na nakagawa nito. Kasama niya ang magagaling na boksingerong naging cover ng magazine.

Ito ay sina Jack Dempsey noong 1923, James J. Tunney-1929, Max Schmeling-1931, Primo Carnera-1941, Joe Loous-1951, Sugar Ray Robinson-1963, Cassius Clay-1971, tapos sina Muhammad Ali at Joe Frazier - 1978 at Mike Tyson noong 1988.

Ang iba pang dakilang atletang nakahati sa pribileheyo ay sina Pete Rose (1989), Magic Johnson (1996) Michael Johnson (1996), Michael Jordan (1998), Marion Jones (2000), Tiger Woods (2000), Sisters Serena at Venus Williams (2001), at Michael Phelps (2008).

At kung ito ang unang pagkakataon na naging cover siya ng TIME Asia, hindi naman ito ang una na tinapok siya sa nasabing magazine.

Sa kaagahan ng taon, nakabilang si Pacquiao sa TIME Magazine 100 most influential persons list, na kinabibilangan nina US President Barrack Obama, British Prime Minister Gordon Brown, tennis champion Rafael Nadal ng Spain at face of golf, Tiger Woods ng United States.

Sinabi ni Pacquiao na noong kabataan niya nagti-tinda siya ng sigarilyo at natutulog sa lansangan at hindi niya pinangarap na magiging dakila siya katulad ng kanyang tinatamasa ngayon.

“I absolutely had no idea that when I started my career in boxing to provide a better life for myself and my family, that I would now be where I am today and on the cover of TIME Magazine. A fighter’s dream is to win a world title and gain financial stability.

“But what is happening to me now is the most humbling experience of my life. It is a great honor for me to be the face of my people and to let everyone know we are a small but mighty country. I have great pride for all of the Filipinos living throughout the world and it is these people that I fight for each and every time I step into the ring,” wika ni Pacquiao.

BRITISH PRIME MINISTER GORDON BROWN

CASSIUS CLAY

CORAZON C

JACK DEMPSEY

JAMES J

JOE FRAZIER

JOE LOOUS

MAGAZINE

PACQUIAO

TIGER WOODS

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with