^

PSN Palaro

Albania sumuntok ng gold medal

-

Hanoi--Hindi binigo ni Annie Albania ang kanyang mga kababayan nang ihandog nito ang unang gintong medalya ng bansa sa 3rd Asian Indoor Games sa pamamagitan ng 12-4 panalo kay Sopida Satumrum ng Thailand sa women’s boxing finals sa Bah Nihn Gymnasium.

Kumunekta ng solidong suntok ang 27 anyos na si Albania, ang reigning SEA Games champion sa panimula ng second round at umiskor ng kumbinsidong panalo na naging daan upang tugtugin ang Pambansang Awit sa kauna-unahang pagkakataon sa Vietnam.

Masyado namang mabigat na kalaban ang mas matangkad na si Cheng Dong ng China para kay Mitchel Martinez at bumigay sa iskor na 3-18 para sa silver medal na pagtatapos sa light welterweight division.

Ito ang ikalawang pagkakataong yumuko ang 33 anyos na si Martinez sa mas batang Chinese bet nang humatak si Dong ng panalo sa puntos.

Bunga nito, ang 5-women team ay nagtapos sa kanilang kampanya dito na may iuuwing gold, silver at bronze. Nakuha ni Josie Gabuco ang bronze medal sa pinweight division.

Samantala, nakalinya naman sa posibleng ikalawang ginto ng bansa si swimmer Miguel Molina nang makapasok ito sa finals ng kanyang paboritong event na 200m individual medley sa panimula ng pool event kahapon ng umaga sa My Dinh National Aquatics Center.

Nanguna si Molina, na may pinakamagandang oras sa 18 kalaban na 1:58:42, sa heat two sa oras na 2:03:26.

Ang kanyang oras sa heat ay ikatlo sa pinakamabilis kasunod kina Dimitriy Gordiyenko ng Kazakhstan 2:00:51 at Hsu Chi Chieng Chinese-Taipei na may 2:02.61.

vuukle comment

ANNIE ALBANIA

ASIAN INDOOR GAMES

BAH NIHN GYMNASIUM

CHENG DONG

DIMITRIY GORDIYENKO

HSU CHI CHIENG CHINESE-TAIPEI

JOSIE GABUCO

MIGUEL MOLINA

MITCHEL MARTINEZ

MY DINH NATIONAL AQUATICS CENTER

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with