TITIGIL NA NAMAN ANG PAG-INOG NG MUNDO
Ilang araw na lang at tiyak na titigil na naman ang pag-ikot ng buong mundo upang masaksihan ang pinakahihintay na laban ng taon--ang labanan nina Manny Pacquiao at Miguel Cotto sa November 14 (Nov. 15 sa Manila) sa MGM Grand sa Las Vegas.
Wala ka na namang makikitang tao sa kalye dahil lahat ay tiyak na nasa kani-kanilang bahay at nag-aabang sa kani-kanilang telebisyon kung hindi man ay nasa mga malalaking sinehan, hotel at restaurant na magpapalabas ng live sa laban ng taon.
At tiyak din ang zero crime sa araw na iyon.
Ngayon pa lang ay ang lakas na ng pustahan hindi lamang sa online kundi maging dito mismo sa Pinas.
Problema lang ang pustahan sa ngayon ay hindi kung sino ang mananalo kundi ilang rounds tatapusin ni Pacquiao si Cotto or vice-versa.
Aba, mahirap-hirap din yun ha!
Pero walang mahirap sa mga sugalero eh.
Kaso anong pusta nyo?
* * *
Palapit na rin ng palapit ang Southeast Asian Games na gaganapin sa Disyembre sa Laos.
Pero tulad ng dati, wala pa ring tigil ang gulong nagaganap sa ilang sports leaders natin.
Hay naku, lumang tugtugin na iyan.
Lagi namang ganyan sa sports natin eh. May bago pa ba?
Hindi na talaga natuto ang mga dapat matuto. Nagpapatigasan at nagpapataasan ng ere. Nakakasawa na. Sana naman tumigil na kayo!
Kaso mga bingi ang mga sports liders na ito kaya hayan walang mangyari sa ating sports tuluyan na tayong napag-iwanan ng ating mga kapitbahay na bansa.
* * *
Speaking of SEAG, nakakalungkot na walang basketball event na gaganapin sa Laos. Kung tutuusin may 27 events lang ang nakalinyang event.
First time na magho-host ng Laos at maliit na bansa lamang ito na kulang pa umano ang sports facilities.
Sayang naman!
Sure gold na kasi ang Pinas pag SEAG basketball ang pinag-usapan.
* * *
Tuwing may first timer na bansang maghohost (minsan kahit hindi first-timer) ay may bagong sports na ipinakikilala na bagong saling event.
Noon sa Vietnam, ipinakilala o isinali ang fin swimming bilang regular event sa SEAG.
Ngayon naman dito sa Laos ay ipinakikilala ang shuttlecock event.
Hala ano yun? Tanong ko sa sarili. Actually hanggang ngayon ay hindi ako nagsi-search kung anong klaseng laro ito pero nang makita ko ang logo, naisip ko na Sipa (yung larong sipa nating mga Pinoy) ito. Hayaan nyo next week isusulat ko dito kung anong klaseng event ang shuttlecock.
* * *
Belated happy birthday kay Olsen Racela at Joe Lipa (Nov. 1), Willie Caballes, Ronnie Nathanielz, Tony Paño (Nov. 3) sa aking dearest daughter Lei Villena (Nov. 4), at sa aking hipag na si Liza Villena sa Nov. 7 na araw din ng kanyang kasal kay Bent Andersson at Nolan Bernardino (Nov. 8). Happy wedding anniversary din sa aking hubby na si Rollie sa Nov. 6 ( I love you dear!).
- Latest
- Trending