RP shooter sali sa Bangkok shootfest
MANILA, Philippines - Magpapadala ang bansa ng 26-man squad ng mga bete-rano at baguhang shooters na kakatawan sa bansa sa 2009 Southeast Asian Shooting Association championship na nakatakda ngayon hanggang Nov. 9 sa Bangkok, Thailand.
Ang koponan na babanderahan nina reigning national pistol champion Nathaniel ‘Tac’ Padilla at Emerito Concepcion at Carolino Gonzales ay umalis kahapon.
Si Padilla, na nakatakdang lumahok sa record na 16th beses sa Laos SEA Games sa Disyembre, ay sasabak sa rapid fire, standard at center fire pistol events habang sina Concepcion at Gonzales naman ay papagitna sa men’s air rifle at air pistol competitions, ayon sa pagkakasunod.
Ang iba pang shooters ay sina Shanin Lyn Gonzales, Michaela Nicole Padilla, Ruth Ricardo, Irish Palma, Dianne Nicole Eufemio, Venus Lovelyn Tan, Jayson Valdez, Alfonso Antonio Hermoso, Edwin Fernandez, Rocky Pardilla, Eddie Tomas, Frances Nicole Medina, Charisse Palma, Analou Pardilla, Ronaldo Hejastro, Robert Donalvo, Mark Manosca, Simon Karl Gonzales, Alyanna Krystle Chuatoco, Czarmaine Trajano, John Cymon Concepcion, Lorenzo Miguel Capinpin, at Marie Isabelle Eufemio.
Pamumunuan ni Bertito Palma, deputy secretary ng Philippine National Shooting Association ang head ng delegation. Ang iba pang opisyales na kasama sina Reuben Hermoso, head coach,Susan Aguado pistol coach, at Bartolome Teyab, rifle coach.
- Latest
- Trending