HANOI - Nasungkit ni dating world champion Biboy Rivera ang kauna-unahang medalya para sa bansa nang masungkit nito ang bronze medal sa mens singles ng bowling competition sa 3rd Asian Indoor Games sa Saigon Superbowl sa Ho Chi Minh City.
Nakapasok ang 35 anyos na si Rivera, na nagkampeon sa Ramadam Open Masters title noong Setyembre, sa quarterfinals nang magtapos na ikaapat sa may 73 bowlers mula sa 20 bansa sa kanyang inilistang 1,386 sa six-game series.
Tinalo niya ang Japanese na si Yoshinao Masatoki, 205-194, upang umu-sad sa semifinals upang makaharap si defending champion Naif Obaq Al-Abadla ng United Arab Emirates (UAE) na kinuha ang 219-194 win at mauwi ang Pinoy bowlers sa bronze medal na pagtatapos.
Nabigo naman ang women’s team na maduplika ang performance ng kalalakihan nang yumuko si Liza del Rosario kay Tannya Roumimper, 179-195 sa quarterfinals ng women’s singles.
Sa Hanoi, napanatili ni Annie Albania ang pamatay na porma nang igupo niya si Indian Chhoto Loura, 6-0, kahapon sa semifinals ng women’s boxing sa Bah Ninh Gymnasium.
Si Albania, na mas mababa ng dalawang pulgada sa kalabang si Chhoto ay nagpamalas ng kanyang tikas at galing sa pamamagitan ng solidong counter punching upang isiguro ang bansa ng silver medal.
Makakalaban ng 27-year old silver medalist sa nakaraang World Wo-men’s Championships ang pambato ng Thailand na si Sopida Satumrum sa finals sa Miyerkules.