UST, Adamson balik-aksiyon

MANILA, Philippines - Buhat sa dalawang linggong pakikipagtunggali para sa Unigames sa Iloilo City, muling nagbabalik sa liga ang University of Santo Tomas at Adamson University para ituloy ang kampanya para sa Shakey’s V-League Season 6 elimination phase sa The Arena sa San Juan City ngayon.

Tangan ang perpektong baraha, inaasahang ipaparada ng Tigresses ang husay nina Aiza Maizo, Angeli Tabaquero at Maruja Banaticla sa pakikipagtapatan nito sa humabol na St. Benilde Blazers dakong alas-2 ng hapon, bilang panimula ng maaksyong triple bill na susundan pa ng hamunan sa pagitan ng Far Eastern U-Lyceum sa alas-4 ng hapon at Adamson-San Sebastian duel sa ganap sa alas- 6 ng gabi.

Hapit sa tsansa, makalipas na maisahan ang UP Maroons noong linggo para angkinin ang huling quarterfinal berth, kinakailangan ng Blazers ng isa pang panalo upang makumpleto ang quarters at umusad sa susunod na round.

Gayundin ang kapalaran ng kulelat na Lyceum na nararapat manalo sa dalawang natitira pa nitong laban, kasabay ng pana-langing matalo ang St. Be- nilde upang maibandera ang kontensyon sa liga at makuha ang sixth spot.

Ngunit para maisagawa ang layuning ito, dapat maisipan ng matinding diskarte ng Lady Pirates ang matitikas na galaw nina Cherry Vivas at Shaira Gonzalez ng Far Eastern University na may 5-1 baraha.

Samantala, susubukang pigilin ng kapangyarihan nina Pau Soriano at Jill Gustilo ang pag-atake ng reigning five time NCAA champion San Sebastian makaraang manaig sa Ateneo OraCare noong Linggo.

Sa pamumuno nina Joy Benito, Margarita Pepito, Melissa Mirasol at Jinni Mondejar natunton nila ang 4-1 rekord at nakabilang sa UST, FEU na siguradong may pwesto na sa quarterfinals ng ligang handog ng Shakey’s Pizza at suportado ng Accel, Mikasa, Mighty Bond at OraCare.

Kung sakaling manalo ang FEU, kahit pa matalo ang St. Benilde sa laban nito sa UST, awtomatikong makakapasok ang Lady Blazers sa quarters, ngunit kung pagpupursigehan ng top spiker na si Giza Yumang na mahiya ang UST, muling magkakaroon ng single round robin para madetermina ang rekord ng bawat koponan.

Ang apat na panguna-hing koponan ay aabante sa Final Four kung saan makakaharap ng No. 1 ang No. 4 at ilulunsad naman ang duelo sa pagitan ng No. 2 at 3 teams para sa isa pang silya sa kampeonato. (Sarie Nerine Francisco)

Show comments