Gabuco, Albania swak na sa bronze
Hanoi -- Buong tapang na nagpakawala ng matitinding suntok sina Josei Gabuco at Annie Albania kontra sa kanilang mga kalaban upang makasulong sa semifinals sa women’s boxing sa 3rd Indoor Games sa Bac Nihn Gymnasium.
Dalawang araw na pahinga ang nagbigay ng enerhiya kay pinweight Gabuco upang igupo niya si Weng Chan Cho ng Macau sa quarterfinal bout ng women’s boxing sa 3rd Asian Indoor Games sa Bac Nihn Gymnasium.
Halos hindi na nakahinga sa hirap si Chao nang magpakawala ng matitin-ding suntok ang 21 anyos na si Gabuco sa buong apat na round at ilista ang 20-0 panalalasa.
Hindi naman nagpahuli si bantamweight Albania nang humatak ito ng referee-stopped-contest-outclassed (RSC-O) decision kontra kay Meng Chieh Pin ng Chinese Taipei.
Walang awang inatake ni Albania si Meng hanggang sa mabigyan ang Taiwanese boxer ng tatlong standing 8-count.
Ang panalo ng dalawa ay kapwa nagsiguro ng bronze medals na uma-bot na sa tatlo mula sa 5-women RP boxing team na suportado ng Philippine Sports Commission.
- Latest
- Trending