MANILA, Philippines - Nagtala ng kumbinsidong panalo ang Xavier School at Florida Institute kontra magkahiwalay na kalaban upang makamit ang top two spots papasok sa huling playdate ng elimination round ng 8th San Juan Inter High School basketball tournament sa San Juan Gym.
Dinurog ng defending champion Xavier Stallions ang Aquinas, 126-33 para sa ikaapat nilang panalo sa sindaming laro sa torneong inorganisa ni dating PSC commissioner at ngayo’y San Juan vice-mayor Leonardo "Boy" Celles.
Dinaig naman ng Florida Institute ang San Juan National High School, 84-55 upang wakasan ang sked sa record na 4-1. Bumagsak sa ikatlong puwesto ang SJNHS sa kartang 3-2.
Naitala naman ng Philippine Chen Kuang High School ang una nitong panalo kontra OB Montessori, 60-52. Paglalabanan ng PCKHS at Aquinas, na kapwa may 1-3 record, ang huling semifinals berth sa Nobyembre 7.