MANILA, Philippines - Nanawagan kahapon si opposition Sen. Francis ‘Chiz’ Escudero sa lider ng Philippine Sports Commission (PSC) na magtatag ng bukas na linya ng komunikasyon sa mga Pambansang atleta, para hindi makapamili ang mga kapanalig na nahahati sa pagitan ng mga kampi at kritiko ng PSC.
Binigay halimbawa ni Escudero ang katatapos na rally ng ilang atleta na kasama ng wrestling at ilang paksiyon sa billiards at cycling na isang hindi magandang ebidensiya ng malinaw na dibisyon na namamayani sa Philippine sports na dapat ay nagkakaisa sa ilalim ng iisang bandila habang papalapit na ang Southeast Asian Games at Asian Games.
Ngunit sinabi ni Escudero na ang PSC, na isang government funding agency sa sports, ay nasa mahirap na sitwasyon sa pagpapakalat ng limitadong pondo sa may 40 national sports association, na karamihan ay tila hindi makakuha ng sariling pondo para matulungan ang maliit na suportang nagmumula sa gobyerno.
“Let’s face it, the PSC is in a damn if you do, damn if you don’t situation,” ani Escudero na idinagdag din na “Sports is not a priority under our present leadership and whoever sits in the PSC will end over and over again, as he will have under his neck, people seeking support, whether the PSC has money to give or none at all.”
Isang maliit na grupo ng mga atleta ang nagrally laban kay PSC chairman Harry Angping noong Lunes at hinihiling ang pagpapatalsik dito. Ang rally ay maikli lamang matapos na magfile ng kasong graft, malversation of public fund and grave coercion laban kay Angping sa Ombudsman.
Sinabi ni Escudero na masasagot ni Angping ang lahat ng akusasyong ito sa tamang forum at habang ginagawa ito kailangang palakasin ng PSC ang relasyon sa atleta, NSAs at POC.
“While these actions are guaranteed under democratic laws, the athletes should also consider their best interest and not allow themselves to be used by any faction, whether it is the PSC or their respective NSAs,” ani Escudero. “Hindi na ito panahon para sa away-pulitika, dapat sa SEA Games, Asian Games at sa nalalapit na Olympics na tayo nagtutuon ng pansin.”