^

PSN Palaro

Tiyak n a box office na nanaman ang laban ni Pacquiao

SPORTS - Dina Marie Villena -

Ilang linggo na lang at heto na sasabak na sa ibabaw ng ring ang Pinoy ring icon na si Manny Pacquiao kontra sa WBO Puerto Rican champion na si Miguel Cotto sa MGM Grand sa Las Vegas sa November 14.

Isa sa pinakahihintay na laban ng Pinoy sa buong mundo.(ang isa pang hinihinaty ay ang Pacquiao-Floyd Mayweather Jr. fight).

Nasa Amerika na si Pacquiao upang duon tapusin ang kanyang pagsasanay sa Wild Card gym sa Los Angeles.

Pagkatapos ay tutungo ng Las Vegas para sa final week at laban.

Ngayon pa lang ang dami-dami ng naghihintay na Pinoy sa laban na ito.

Katunayan, halos lahat ng hotels, bars, resto at mga sinehan ay may offer na ‘live’ telecast ng Pacquiao-Cotto fight para humatak ng customer.

Pati na rin nga mga plaza sa Metro Manila at kalapit na bayan ay may ganitong package lalo na galing sa mga pulitiko.

At dahil nga pay per view, tiyak na tatabo ng husto sa takilya ang laban na ito.

Hindi lamang sa Pilipinas kundi sa buong mundo.

Grabe ang hatak ni Pacquiao ngayon. Lahat na lang ay nag-aabang sa kanyang mga laban maging sa hinaharap na laban ay box office na rin ang paghihintay.

Sa ngayon, liyamadong-liyamado si Pacquiao lalo na sa internet betting.

Hindi lang siguro sa internet kundi maging sa aktuwal na pustahan lahat ay pabor kay Pacquiao.

Marami ang kinakabahan sa laban na ito.

Pero mismong si Pacquiao at maging ang kanyang trainer ay hindi kakikitaan nito. Kumpiyansa base sa ginagawang training.

Pero siyempre, hiling pa rin ni Pacquiao sa kanyang mga kababayang Filipino ang dasal para sa kanyang tagumpay.

Dasal ang pinakamabisang sandata sa lahat.

Sabi nga niya para daw sa mga Filipino ang laban niya (medyo tumaas lang ng konti ang kilay ko, he he he).

* * *

Paki ng kaibigang si Robbie Pangilinan: Ipagdiriwang ng Diliman Preparatory School ang 64th United Nations ngayon kung saan may temang “Stand United: Fight Poverty” na may layuning buksan ang mata at puso ng DPS students sa kahalagahan ng papel ng mga kabataan upang labanan ang kahirapan sa bansa.

May mga inimbitahan panauhin si dating Senadora at Diliman Education Corporation president Nikki Coseteng na mga dignitaries mula sa USA, Great Britain, Czech Republic, India, Bangladesh, Greece at South Korea upang magbigay ng mensahe sa mga DPS students. May mga darating ding kinatawan mula sa UNESCO, UNICEF at WHO at si Quezon City Mayor Sonny Belmonte sa event na gaganapin sa Diliman Preparatory School sa Commonwealth Avenue, Quezon City.

COMMONWEALTH AVENUE

CZECH REPUBLIC

DILIMAN EDUCATION CORPORATION

DILIMAN PREPARATORY SCHOOL

FIGHT POVERTY

LABAN

LAS VEGAS

PACQUIAO

PINOY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with