Yonex-Sunrise title napanatili ng STAR shuttlers

MANILA, Philippines - Pinayuko ng The Philippine Star ang Robinson Land upang mapanatili ang titulo sa corporate category ng 2009 Yonex-Sunrise Philippine National Open Badminton championship noong Linggo.

Unang nagwagi ang tambalang Dalia Santiago at Rina Batuigas sa women’s doubles, 21-16, 21-11. Naidepensa din ng dalawa ang kanilang titulo sa Seniors A individual category.

Agad naman itong sinundan ng panalo ng mixed doubles pair nina Edison Cupcupin at Melody Villaceran, 21-17, 21-12 na tumagal lamang ng 22 minuto.

Patungo sa final, tinalo ng Star shuttlers ang PLDT sa quarterfinals at RCBC sa semis.

Ang iba pang miyembro ng Star ay sina Dodie Gutierrez, Syl Cosico, Glenn Padpad, Edu Punay, Analyn Delgado at Mylene Amahit at iginigiya ni coach Chester Cordero.

Show comments