MANILA, Philippines - Magsimulang malakas at magtapos ng malakas.
Ganun kasimple, ang inilatag na bahagi ng laban ni American trainer Freddie Roach sa pag-asinta ni Manny Pacquiao sa WBO welterweight crown kontra sa reigning champion na si Miguel Cotto ng PuertoRico sa November 14.
“We need to be fast and aggressive at the start,” pahayag ni Roach, na pinan-sin si Cotto, na mabagal magsimula, at maaring mapatalsik sa ring kung agad susugod si Pacquiao sa opening bell pa lamang sa MGM Grand.
“Miguel is a slow starter. We must never give him the momentum because he gets stronger,” dagdag ni Roach.
Matapos ang limang linggong pagsasanay sa tatlong magkakaibang gym sa Pilipinas, dumating si Pacquiao sa Los Angeles noong Sabado ng gabi, nagpahinga kinabukasan at sa susunod na araw ay agad sasabak sa Wild Card gym.
Dalawang linggong puspusang pagsasanay sa sweatshop sa Hollywood ni Roach, kung saan ilang bilang ng isparing ang gagawin bago magtungo sa pinal na linggo bago ang laban.
Si Roach, na nagtatrabaho sa loob at labas ng ring upang siguruhin na tama ang kanyang iniha-handang plano kontra kay Cotto, ang nagsabing gusto niyang makitang tumatalon si Pacquiao sa mas bata, mas malaki at mas malakas na Puerto Rican.
Base sa mga nagdaan niyang laban, ang pinakamainit na trainer sa boxing ngayon ay nagsabing ma-daling bumigay si Cotto sa kaagahan ng round at ang laban nito kay Zab Juddah, nahirapan ang 27 anyos na kampeon sa kalagitnaan ng first round.
Hindi si Pacquiao si Juddah at naniniwala si Roach na kapag maagang nahuli, mas malaking problema ang haharapin ni Cotto sa mabigat na kamay na Filipino pound-for-pound champion.
Bago nagsimula ang training camp noong September 12, sinabi ni Roach na maaaring tumagal ang laban, ngunit makalipas ang ilang linggong pagsasanay sa Baguio City, dadalehin nila si Cotto sa mas maagang rounds.
Sa nakalipas na ilang araw, may mga lumabas ng istorya sa internet na sinasabing sa first round palang ay pababagsakin nila si Cotto. Ngunit sinabi naman nito na nagbibiruan lang sila nang sabihin niya ito.
Gayunpaman, hindi nagpapa-apekto si Cotto sa mga sinasabing ito ni Roach at nagsabi din na hindi pa siya nakakakita ng boksingerong nagwagi kasama ang madaldal na trainer.