MANILA, Philippines - Kuching Malaysia --Sumungkit ng back-to-back title si Leander Lazaro sa pakikipagtambalan kay Thai Nuttanon Kadchapanan nang makopo ang 14th Sarawak Chief Ministers Cup ITF Junior Championships doubles title.
Humatak ng malalakas na lahok mula sa Europe at Asia sa Grade 3 event na ito na ang mga players ay may ranggo mula top 100-200 sa draw.
Unang nasungkit ni Lazaro ang kanyang unang titulo noong nakaraang linggo sa Hanoi, Vietnam.
Hindi naman naging masuwerte si Lazaro sa singles competition gayundin ang isa pang Pinay na si Clarice Patrimonio na natalo sa kanilang laban dahil sa sobrang kapaguran sa dalawang biyahe kung saan dumating sa hotel ng bandang ala-una ng madaling araw at may laro agad ng alas-8 ng umaga. Natalo si Lazaro sa 5th seed na si Ariez Deen Heesham ng Malaysia 6-1, 2-6, 3-6 matapos dominahin ang unang set samantalang yumuko naman si Patrimonio kay ITF No. 200 Zhu Ai Wen ng, China 4-6, 3-6.