^

PSN Palaro

Lazaro umukit ng back-to-back title

-

MANILA, Philippines - Kuching Malaysia --Sumungkit ng back-to-back title si Leander Lazaro sa pakikipagtambalan kay Thai Nuttanon Kadchapanan nang makopo ang 14th Sarawak Chief Ministers Cup ITF Junior Championships doubles title.

Humatak ng malalakas na lahok mula sa Europe at Asia sa Grade 3 event na ito na ang mga players ay may ranggo mula top 100-200 sa draw.

Unang nasungkit ni Lazaro ang kanyang unang titulo noong nakaraang linggo sa Hanoi, Vietnam.

Hindi naman naging masuwerte si Lazaro sa singles competition gayundin ang isa pang Pinay na si Clarice Patrimonio na natalo sa kanilang laban dahil sa sobrang kapaguran sa dalawang biyahe kung saan dumating sa hotel ng bandang ala-una ng madaling araw at may laro agad ng alas-8 ng umaga. Natalo si Lazaro sa 5th seed na si Ariez Deen Heesham ng Malaysia 6-1, 2-6, 3-6 matapos dominahin ang unang set samantalang yumuko naman si Patrimonio kay ITF No. 200 Zhu Ai Wen ng, China 4-6, 3-6.

ARIEZ DEEN HEESHAM

CLARICE PATRIMONIO

HUMATAK

JUNIOR CHAMPIONSHIPS

KUCHING MALAYSIA

LAZARO

LEANDER LAZARO

NATALO

SARAWAK CHIEF MINISTERS CUP

THAI NUTTANON KADCHAPANAN

ZHU AI WEN

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with