MANILA, Philippines - Kung mayroon mang boksingero na hinangaan si American trainer Freddie Roach, ito ay si national women's team mainstay Annie Albania.
Ang flyweight na si Albania, nakita ni Roach na magsanay sa Teacher's Camp sa Baguio City noong nakaraang linggo, ay isang two-time Southeast Asian Games gold medalist.
"She is a real tough fighter with a lot of heart and has the potential to be a great one in the future," sabi ng 49-anyos na si Roach sa 22-anyos na si Albania.
Ang 5-foot-2 na si Albania ang tanging miyembro ng women's at men's boxing team na nakapag-uwi ng kaisa-isang gintong medalya mula sa 2007 SEA Games sa Nakhon Ratchasima, Thailand.
Nakapagsanay na si Roach ng isang woman boxer sa katauhan ni Fil-Am Ana "The Hurricane" Julaton na siyang kasalukuyang International Boxing Association (IBA) female super bantamweight champion.
Maliban kay Albania, ang iba pang miyembro ng national squad na lalahok sa darating na 3rd Asian Indoor Games sa Hanoi, Vietnam ay sina pinweight Josie Gabucu, light flyweight Alice Kate Aparri, light bantamweight Nesthy Petecio at featherweight Mitchel Martinez.
Nakatakda ang AIG sa Oktubre 30 hanggang Nobyembre 8.
"I really am very impressed with your girls. They can really fight and know what they do," ani Roach sa national women's team na hinahawakan ni Olympian Roel Velasco. "I’m really surprised seeing your girls fighting. There are even better than your boys." (Russell Cadayona)