^

PSN Palaro

Kenyan runners namayagpag sa Smart-Subic International Marathon

-

SUBIC , Philippines --Inangkin ni Vincenp Chepsiror ng Kenya ang pinaglabanang 2nd Smart Subic International Marathon kahapon na sinimulan sa SCTEX Floridablanca, Pampanga at nagtapos sa Remy field dito.

Kumawala si Chepsiror sa hamon ng kababayan na si Willy Rofich at nagdedepensang kampeon na si Daniel Koringo sa huling 10 kilometro para solong tumawid sa meta.

“This is my first time to be in the Philippines and my first time to run a marathon at night. I could may submitted faster time but it was dark and there were few water station, but I'm contented with my performance,” wika ni Chepsiror na naorasan ng tiyempong 2:27.54.

Ang 18-anyos na si Rofich ay nagtala naman ng oras na 2:28.14, habang si Koringo ay may tiyempong 2:29.57.

“This is only my second time to race in a marathon and today his showed his experience, ” wika naman ni Rofich.

Halagang US$5,000 ang napanalunan ni Chepsiror na may grocery sa Kenya na siya niyang pinagkukunan ng kabuhayan.

Limang Kenya pa na sina Alex Melly na naglista ng 2:30.23, Richard Mutisya na mayroong 2:30.30, Hillary Kimurai na nagposte naman ng 2:31.51, Gilbert Kipchelor na may 2:35.58 at David Kipsang na nagsumite ng tiyempong 2:37.50 ang tumapos mula sa ikaapat hanggang walong puwesto.

Ang pinakamahusay na Filipino runner ay si Hernanie Sore ng University of Baguio na tumakbo sa una niyang marathon at naorasan ng 2:40.20 para sa ika-9th na pagtatapos.

“Sinikap kong sumabay sa mga Kenya pero bumilis sila at bumigay ako, pero nagpapasalamat ako sa Smart dahil binigyan nila kami ng pagkakataon na makalaban ang mga Kenya dito sa karerang ito,” ani naman ni Sore na dating kasapi ng PATAFA pool bilang isang steeplechaser.

Ang beteranong si Alquin Bolivar ang kumumpleto sa top ten sa kalalakihan sa naitalang 2:40.42. (AT)

ALEX MELLY

ALQUIN BOLIVAR

CHEPSIROR

DANIEL KORINGO

DAVID KIPSANG

GILBERT KIPCHELOR

HERNANIE SORE

HILLARY KIMURAI

LIMANG KENYA

RICHARD MUTISYA

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with