^

PSN Palaro

Kampeon na uli ang Stags!

-

MANILA, Philippines - Gumuho ang pangarap, matapos ang tatlong season na dominasyon sa liga, binura ng bagitong coach ang kasaysayang inukit ng San Beda Red Lions nang tapusin na agad nito ang best of three finals showdown sa pamamagitan ng 76-61 para agawin ang korona ng 85th NCAA basketball tournament sa dinumog na Araneta Coliseum.

Nagrehistro ng umaati-kabong 15 points mula sa 16 points sa second half, hindi na nagpatumpik-tumpik si Jimbo Aquino na madaliin ang pagkubra ng panalo bago pa ito mapaupo dahil sa pananakit ng tuhod nito.

Upang masikwat ang unang titulo sa loob ng pitong taon, inisipan na ng matikas na depensa at masikap na opensa ng Baste ang ilalapat sa nagtatanggol na Red Lions.

Dahil sa malayong distansya, maagang nagdiwang ang Stags nang iposte ang 69-58 iskor sa huling dalawang minuto ng laban.

Sa kabilang banda, naging madamdamin ang pagtatapos nang laban ng maputol ang paghahari ng host na San Beda at hindi makamtan ang pinapanga-rap na four peat feat.

“I’m happy we won on my first year,” pahayag ni Ato Agustin na gumawa rin ng kanyang rekord sa liga katulad ni San Beda mentor Frankie Lim na nagpanalo sa Lions noong kanyang rookie season.

Para pigilan ang pagbawi ng San Beda, kumonekta ng 24 points si Aquino noong Huwebes para sa 72-68 habang nagsubi rin sina Gilbert Bulawan at Ronald Pascual ng 15 at 12 points, ayon sa pagkakasunod.

Sa pinamalas na determinasyon, pinuri ni Lim ang pagpupursige ng Baste.

“I have to give it to coach Ato (Agustin) and the Stags, they are not expected to be in the finals and they wiped us out,” ani Lim. (Sarie Nerine Francisco)

ARANETA COLISEUM

ATO AGUSTIN

FRANKIE LIM

GILBERT BULAWAN

JIMBO AQUINO

RED LIONS

RONALD PASCUAL

SAN BEDA

SAN BEDA RED LIONS

SARIE NERINE FRANCISCO

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with