Corteza, babanderahan ang ilan pang Davaoeños sa All-Japan Open
MANILA, Philippines - Sa lahat ng sulok ng bansa, lutang ang galing ng Pinoy pagda-ting sa bilyar.
Sa nalalapit na Nobyembre 9-15, maglalaban laban ang mga mahuhusay na Davaoeno para sa 42nd All Japan Championship sa Hotel New Archaic Hall sa Amagasaki-shi, Hyogo, Japan.
Sa pangunguna ni dating All-Japan 9-Ball champion Lee Van Corteza, puntirya ng Davao cue artist na sarguhin ang titulo at iuwi ang Y2,000,000 (P800,000) papremyo.
Kabilang sa mga susugal sa kompetisyon ay sina Valeriano A. Pajuay Jr., Lauro A. Bongay, Meneleo C. Migellano at Ronie O. Aying, mga miyembro ng Davao Billiards Association Incorporated (DBAI).
“We prepare for this event (All Japan (9-ball), we hope we can perform well for flag and country,” ani Migellano, presidente ng Davao Billiards Association Incorporated (DBAI). (SNFrancisco)
- Latest
- Trending