^

PSN Palaro

RP Patriots vs Thailand Tigers sa Ynares

-

MANILA, Philippines - Sa unang pagkakataon sa kasaysayan ng ASEAN Basketball League (ABL), ang laro ng Philippine Patriots ay ipapalabas ng live ng giant sports network na ESPN at local network TV 5 (formerly ABC-5).

At sa larong ito, ipaparada ng RP Patriots ang mga baguhan na team na inaasahang makakatulong sa kanila para makabawi sa 74-69 pagkatalo sa Singapore Slingers noong Linggo sa Singapore sa pakikipagharap sa Thailand Tigers.

Ang laro ay alas-4:00 ng hapon sa Ynares Sports Arena sa Pasig. Ang admission ay libre sa publiko.

Ayon kay Harbour Centre CEO Mikee Romero, co-owner ng team kasama si Tony Boy Cojuangco, ang coverage ng ESPN at TV-5 ay nagpapakita ng status ng three-week old tournament.

“This is a good indication that the league is doing great. With the help of TV 5 people, I’m sure the league will grow faster and bigger,” sabi ni Romero, nagpapasalamat sa backers ng tatlong UAAP stars na sina Nonoy Baclao ng Ateneo at University of the East products Val Acuña at Elmer Espiritu -- matapos silang payagang lumaro para sa Patriots.

Punum-puno ng kumpiyansa si Coach Louie Alas matapos sumama sa praktis ang tatlo.

BASKETBALL LEAGUE

COACH LOUIE ALAS

ELMER ESPIRITU

HARBOUR CENTRE

MIKEE ROMERO

NONOY BACLAO

PHILIPPINE PATRIOTS

SINGAPORE SLINGERS

THAILAND TIGERS

TONY BOY COJUANGCO

  • Latest
  • Trending
Latest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with