^

PSN Palaro

3rd win kinana ng Kings

-

MANILA, Philippines - Matagal-tagal ding mawawala ang mga injured na sina Mark Caguioa at Eric Menk at sinimulan ng punan ni Ronald Tubid ang kanilang iniwanang posisyon nang kanyang pangunahan ang Barangay Ginebra upang turuan ng panibagong leksiyon ang Smart Gilas na kanilang iginupo sa 100-72 sa pagpapatuloy ng PBA Philippine Cup na nagpatuloy sa Cuneta Astrodome kagabi.

Tumapos si Tubid ng 22-puntos, 10 nito sa ikatlong quarter kung saan kumawala ng husto ang Gin Kings tungo sa ikatlong sunod na panalo upang manatili sa liderato.

Apat na linggo hang-gang anim na mawawala si Caguioa na nanakit ang tuhod habang hindi bababa sa dalawang linggo na ‘di makakalaro si Menk dahil sa nafracture na daliri.

Hindi pinaglaro ang import ng Smart Gilas na si CJ Giles bilang disciplinary action sa kanya dagdag pa ang hindi pa rin paglalaro ng injured na si Chris Tiu sanhi ng kanilang ikatlong sunod na talo.

Sa ikalawang laro, kumamada sina James Yap at Kerby Raymundo ng tig-17 puntos upang pamunuan ang Purefoods TJ Giants sa 92-77 panalo laban sa Barako Bull.

Habang sinusulat ang balitang ito kasalukuyang naglalaban ang Coca-Cola (2-0) at Alaska (0-2) kung saan hangad ng Aces na saluhan sa liderato ang Ginebra.

Samantala, dadako naman ang aksiyon sa Misamis Oriental kung saan magsasagupa ang Rain Or Shine (0-2) at Burger King (1-2) sa Arturo S. Lugod Gym sa Ginggoog City sa alas-5:00 ng hapon. (MBalbuena)

ARTURO S

BARAKO BULL

BARANGAY GINEBRA

BURGER KING

CHRIS TIU

CUNETA ASTRODOME

ERIC MENK

GIN KINGS

GINGGOOG CITY

SMART GILAS

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with